Vice Ganda di naghihirap sa pandemya

NAGPAPASALAMAT si Vice Ganda dahil kahit nagsara ang ABS-CBN ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdating sa kanya ng grasya.


“Yung sa (pagkawala ng) franchise (ng ABS-CBN), wala namang effect financially. Kasi may programa pa rin naman ako. Araw-araw kumikita pa rin naman ako,” ani Vice.


Ngayon nga, dagdag niya, ay may bago siyang dalawang programa sa TV.


“Hindi siya naka-affect sa akin financially kasi kumikita pa rin naman ako,” chika niya.


Pero ang nakaapekto umano sa kanya ay ang pandemya Sabi niya, nanghihinayang siya sa mga kita niya sa mga pelikula, concerts at iba pang raket na nawala nang kumalat ang Covid-19.


“Yung raket sa labas, ‘yung mga fiesta, ‘yung mga corporate shows, pelikula–iyon ang mga nawala sa akin, so malaki-laki rin iyon.”


Ganoon pa man, nagpapasalamat si Vice dahil mayroon siyang ipon.


“Hindi pa rin naman ako naghihirap dahil napakabait ng Diyos kasi binigyan niya ako ng maraming-maraming pagkakataon in the past para kumita at makapag-ipon. Kaya ngayong nasa ganito akong sitwasyon ay hindi ako salat na salat,” aniya.


Dagdag pa niya: “May kakayahan pa rin akong mag-provide for myself, for the people I love at makapag-extend ng help sa mga taong pinipili kong tulungan. Maayos ang kalagayan ko financially.”