Batang magkapatid nadaganan ng bato; 1 patay

NASAWI ang batang babae habang malubhang nasugatan ang kanyang kuya nang madaganan sila ng malaking bato habang nasa gilid ng ilog sa Sta. Cruz, Davao del Sur.


Dead on the spot ang batang babae, 1, habang isasailalim sa operasyon ang kanyang kuya, 4, mga residente ng Brgy. Astorga.


Ayon sa pulisya, nasa gilid ng ilog ang magkapatid habang naglalaba ang kanilang ina nang biglang gumalaw ang bato at dumausdos patungo sa magkapatid.


Nagtutulong-tulong ang mga residente upang maiangat ang bato pero dahil sa laki at bigat nito ay kinailangan nila ng backhoe.


Nang maingat ang bato ay wala nang buhay ang batang babae.


Nanawagan ng tulong ang mga magulang ng mga bata para sa pagpapalibing at pagpapaospital ng kanilang mga anak.


Nangako ang mga opisyal ng barangay na magbibigay ng ayuda sa pamilya.