Baby nahulog sa dagat, nasagip

MATAGUMPAY na nasagip ang isang batang lalaki na nahulog sa dagat mula sa kanilang bahay na nakatayo malapit sa Marcelo Fernan Bridge sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Martes.


Ayon sa ulat, naispatan ng obrero ang bata, isang-taong-gulang, na palutang-lutang sa dagat sa ilalim ng tulay.


Agad ni-rescue ng construction worker ang bata at dinala sa tanggapan ng Regional Maritime Unit (RMU)-7 na nasa ilalim din ng tulay.


Binigyan ito ng CPR habang hinihintay ang rescue unit hanggang sa muli itong huminga.


Dinala ang bata sa Lapu-Lapu City Hospital.


Napag-alaman na abala sa gawaing-bahay ang ina ng biktima nang maganap ang insidente.