Higanteng lobster nabingwit sa Ilocos Sur

NAKAKAIN ka na ba ng lobster? Eto, pagpiyestahan mo.


Nakahuli ang mga mangingisda sa Sinait, Ilocos Sur kamakailan ng lobster na may bigat na apat na kilo at haba na mahigit dalawang talampakan.


Nabingwit ang higanteng ornate spiny lobster o ulang noong Marso 21 sa karagatang sakop ng Brgy. Teppeng.


Naibenta lamang umano ito sa halagang P2,000 ayon sa ulat.


Kung sa online store bibilhin, aabot ang presyo nito sa mahigit P16,000.

Larawan mula kay Honeyleth Rafanan via Facebook