Aso isang buwan na-trap sa pader, nasagip

GINAGAMOT na ang aso na isang buwan umanong na-trap sa pagitan ng pader sa Cavite City kamakailan.


Ayon sa ulat, napansin ng mga bagong-lipat sa isang bahay ang walang-tigil na pagtahol ng aso kaya humingi sila ng tulong mula sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA).


Agad rumesponde ang mga miyembro ng animal rights group at hinanap ang pinanggagalingan ng tahol. Tumambad sa kanila ang aso na na-trap sa gitna ng dalawang pader.


Binutas nila ang pader bago dahan-dahang inilabas ang aso. Payat na payat, nanghihina at may mga sugat ito.


Napag-alaman na iniwan ang aso ng kanyang mga amo nang lumipat ang mga ito isang buwan na ang nakararaan.


Na-trap ang hayop nang aksidente makapasok sa pagitan ng dalawang pader na noon ay itinatayo.
Pinangalanan ng PETA ang aso na “Wally.”