Arnell Ignacio sumawsaw sa Angel pantry issue

BINANATAN ng Duterte supporter at dating TV host na si Arnell Ignacio si Angel Locsin kaugnay sa pagkamatay ng matanda sa community pantry na inorganisa ng aktres.


Tinawag din ni Ignacio na “bullsh*t” ang paliwanag ni Locsin na hindi nito inaasahan na dadagsain ng tao ang nasabing food drive.


“Nako ‘di ko ine-expect na dadagsa tao no’, ang bullsh*t naman niyan. Susmaryosep naman, tumayo ka nga lang, artista patayuin mo lang diyan, magkakagulo diyan eh,” sabi ni Ignacio.


Hirit pa niya, walang nasorpresa sa pangyayari.


“Nako, eh yang may namatay. Hindi naman nakakagulat ‘yan eh. Aba siyempre, magdadagsaan ‘yan. Mainit. Wala namang nangyari diyan na nakakagulat,” aniya pa.


Namatay sa sakit sa puso si Rolando de la Cruz, 67, residente ng Brgy. Holy Spirit, habang nakapila sa community pantry na inorganisa ng aktres para sa kanyang birthday noong Biyernes sa Quezon City.