Sinas sisilipin pantry ni Angel

INATASAN kahapon ni Interior Sec. Eduardo Año si National Police chief Gen. Debold Sinas na imbestigahan ang pagkamatay ng senior citizen sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.


Hindi naman sinabi ni Año kung may pananagutan si Locsin sa pangyayari.


“But I already gave instruction to General Debold Sinas, to conduct an investigation to determine what really happened,” dagdag niya.


Namatay sa sakit sa puso Rolando de la Cruz, 67, residente ng Brgy. Holy Spirit, habang nakapila sa community pantry na inorganisa ng aktres para sa kanyang birthday noong Biyernes sa Quezon City.


Kaugnay nito, nanawagan si Año sa mga nais pang magtayo ng community pantry na huwag nang ihayag ang plano sa social media para hindi dumugin ng tao at magresulta sa sakuna o hawahan ng Covid-19.