Buwaya naglamyerda sa beach

WINARNINGAN ang mga residente na nagsu-swimming sa paligid ng isla ng Balabag, Palawan makaraang maispatan ang isang buwaya na umaaligid sa lugar.


Ipinost ng isang netizen ang video ng buwaya na lumalangoy malapit sa dalampasigan na sakop ng Brgy. Bangcalaan kahapon ng hapon.


Sinabi ni Willie Olorga sa Facebook na iyon ang unang beses na may napadpad na buwaya sa lugar.


Naniniwala naman siya na maaaring naligaw lang ang buwaya dahil sa sunod-sunod na pag-uulan.


Matapos magpaikot-ikot sa dagat at nawala rin ang buwaya, ani Olorga.


Pinaalalahanan niya ang kanyang mga kapitbahay na mag-ingat sa paliligo sa dagat dahil baka nakaabang lang ito sa paligid.