Andi, kapatid binigyan ng abo ni Jaclyn Jose

AYON kay Gabby Eigenmann, inuwi ng pinsan niyang si Andi Eigenmann ang konting bahagi ng cremated remains o cremains ng yumaong ina nito na si Jaclyn Jose.


Sa panayam ng Bandera, sinabi ni Gabby na maliban sa inuwi ni Andi ay binigyan din ng abo si Gwen Guck, bunsong anak ni Jaclyn, at apo na si Ellie Ejercito.


“I think (the urn) is still here (Manila), pero…I think Andi has brought some to Siargao, tapos si Gwen has one also,” aniya.


“Meron silang maliliit na (vessels). I think sa sister (70’s actress Veronica Jones), si Gwen saka si Andi. But siyempre yung buong urn nasa columbarium na. Si Ellie pala may necklace, nasa pendant,” dagdag ng Kapamilya actor.


“Siyempre just to remember her (Jaclyn), parang palagi rin nilang kasama kahit saan sila magpunta,” sambit pa ni Gabby.


Matapos ang cremation ay isinama ni Andi ang kapatid na si Gwen sa Siargao.


“Nagba-bonding sila sa Siargao kasama si Gwen. Sa pagkakaalam ko, he’ll stay there until the 24th. Tapos balik siya rito sa Manila then uuwi na siya sa Amerika,” kuwento ni Gabby.