Anak ni Melai na-guilty sa pagkamatay ni Jesus, nag-iiyak

LUMULUHANG napayakap sa host-comedienne na si Melai Cantiveros ang bunsong anak na si Stela dahil na-guilty ito sa pagkamatay ni Jesus.

Shinare ni Melai sa Instagram ang convo njla ng anak ukol sa pagpapapako sa krus ng Panginoon upang mailigtas ang kaluluwa ng mga tao sa kasalanan.

“Bakit ka umiyak?” tanong ni Melai.

“Nag-sacrifice si Papa Jesus para sa amin,” sagot ni Stela.

“Para sa ating pamilya lang?”

“Mga tao din.”

“Akala ko sa ating pamilya lang. Ang swerte naman natin. Na-realize mo sa prayer mo?”

“Na si Jesus dahil sa atin pinatay ni Jesus ‘yung self niya para mabuhay tayo.”

“Di naman niya pinatay ang sarili niya. Nag-sacrifice siya okay para i-save tayo sa mga kasalanan natin. Naawa ka kay Jesus?”

“Kasi ni-sacrifice niya self niya kasi para mabuhay tayo. Dahil sa atin namatay siya.”

“Wag ka masyado ma-guilty, nak.”

“Nag-thank you ako kay Jesus.”

“Thank you, Jesus, kasi ibinigay mo ang life mo para sa amin. Always ka mag-thank you. Makikita ni Jesus na worth it ang ginawa niya, okay? Always ka grateful sa kanya ha?”