Anak ni Justice Sec. Remulla arestado sa droga

KINUMPIRMA ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na pamangkin niya at anak ng kapatid na si Justice Secretary Boying Remulla ang naaresto sa isang operasyon kontra droga sa
Las Piñas City.

“Juanito Jose Diaz Remulla III ay pamangking buo ko po. Siya ay panganay na anak na lalake ni Justice Secretary Boying Remulla,” sabi ni Gov. Jonvic sa isang post sa Facebook.

Idinagdag ni Gov. Jonvic na nag-usap na sila ni Secretary Boying at nangako ang huli na hindi makikialam sa kaso ng droga laban sa anak.

“I personally feel that while he deserves all my empathy, there will be no support extended in terms of using my position in government. While he is family, my oath as Cavite Governor and as a public servant is paramount above of his alleged transgressions,” ayon pa kay Gov. Jonvic.