Alden special guest sa suprise birthday party kay Kathryn

SUPER-DIKIT ang “Hello, Love, Goodbye” costars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa suprise birthday party sa aktres nitong Martes ng gabi.


Caught on video ang pagdating ni Alden na may bitbit na regalo at isang malaking bouquet ng red roses.


Napahinto sa pagkain si Kath nang makita si Alden bago ito tumayo at sinalubong ang aktor at hinagkan.
Sa isa pang hiwalay na video, makikita sina Kathryn at Alden na nagse-selfie sa bar.


Magkayap ang dalawa: nasa dibdib ng binata ang kanang kamay ng dalaga at ang kaliwa ay nasa likod nito habang ikinulong ng aktor si Kath sa kanyang dalawang bisig.