Karla nag-congratulate kay Daniel; netizens na-curious

MASAYA ang host-actress na si Karla Estrada sa bagong achievement ng anak na si Daniel Padilla bagaman hindi niya binanggit kung ano ito.


Sa Instagram story, ibinahagi ni Karla ang larawan ni DJ na may caption na, “Congratulation Anak 🙏🙏🙏 Soon 🙏🙏🙏👏👏👏👏.”


“To God be the glory! Thank you🙏🙏🙏,” dagdag niya.


Binati naman ang aktor ng ilang kaibigan sa showbiz at mga fans kahit maging sila ay walang ideya kung ano ang bagong achievement nito.


Kamakailan ay lumagda si Daniel ng panibagong kontrata sa Shawarma Shack sa kabila ng mga ulat na apat na dating endorsements niya ang nalagas mula nang maghiwalay sila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo.