Xian Lim pumapak ng steak; netizens napa-throwback

BIGLANG sumagi sa isip ng ilang netizens ang umano’y kuwento sa hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim na may kaugnayan sa steak dahil sa latest social media post ng aktor.


Ibinahagi ni Xian sa Instagram story nitong Martes ng gabi ang photo niya na nakadikit sa kanyang labi at tila inaamoy ang isang hiwa ng steak.


Matatandaan na isiniwalat ni Ogie Diaz noong nakaraang buwan na hiniwalayan umano ni Xian si Kim habang kinakain nila ang steak na ni-request ng aktor na lutuin ng dalaga.


“Hindi naman nila sinasabi ang dahilan ng split pero nakarating sa akin kung paano sila nag-split. Pwede naman ‘tong i-deny ni Kim Chiu o ni Xian Lim,” ani Ogie.


“Isang araw daw itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak,” kwento niya.


“So ito namang si Kim Chiu excited na nagluto ng steak. Siyempre, um-appear si Xian Lim ganyan-ganyan,” dagdag niya. Habang kumakain ang dalawa ay doon na inihayag ng aktor na gusto na niyang kalasan ang aktres.


“Dumayalog si Xian Lim. Ang sabi, ‘Tapusin na natin ang ating relasyon. Parang wala namang patutunguhan. Ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends’,” ani Ogie.


Klinaro naman niya na hindi kumpirmado kung ganoon nga ang eksena.


“Something to that effect ha. Pero siyempre pwedeng exag, pwedeng kulang ‘yung kwento ko. Pero more or less, nag-start ‘yan sa steak,” sambit ni Ogie.