Adamson kinumpirma pagkamatay ng nawawalang estudyante

KINUMPIRMA ng Adamson University ang pagkamatay ng isang estudyante matapos itong unang maiulat na nawawala.

Isang linggo nang nawawala ang mag-aaral na si John Matthew Salilig, ayon sa pulisya, at natagpuan ang kanyang katawan sa Barangay Malagasang sa Imus, Cavite.

“It is with great sorrow that we confirm the untimely passing of one of our students last February 18, 2023 after the report of his disappearance,” sabi ng pamunuan ng Adamson.

Iniulat ng kanyang kapatid na si John Michael ang pagkawala ng 24-anyos na chemical engineering student.

Kwento pa ni John Michael, nagpaalim ito na dadalo sa welcoming rites ng Tau Gamma Phi fraternity group sa Laguna.

“The university has conducted its own investigation and has cooperated with the authorities on the matter. Rest assured, we will not allow anything to come amiss,” dagdag ng Adamson.

Samantala, 15 suspek naman ang tinitingnan ngayon ng Binan Police na posibleng may kinalaman sa pagkawala at pagkamatay ng biktima. Isa sa mga ito ang umamin na diumano na inilibing si Salilig sa Imus.