LALONG dumami ang bilang ng walang trabaho sa Pilipinas noong Pebrero kumpara sa mga nagdaang buwan bunsod pa rin ng pandemya.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, sumipa sa 8.8 porsyento ang unemployment rate noong Pebrero mula sa 8.7 porsyento noong Enero.
Ibig sabihin, paliwanag ng PSA, bumulusok sa 4.2 milyon ang jobless na Pinoy noong nakaraang buwan mula sa 4 milyon noong Enero.
Samantala, lumundag ang underemployment rate sa 18.2 porsyento noong Pebrero mula sa 16 porsyento ng nagdaang buwan, dagdag ng ahensya.