Claire dela Fuente pumanaw sa edad na 63

PUMANAW na ang OPM singer na si Claire Dela Fuente Martes ng umaga dahil sa cardiac arrest. Siya ay 63 anyos.

Kinumpirma ng pamilya ng singer ang pagpanaw nito sa ABS-CBN.

Isa ang anak ni Claire, na si Gregorio Angelo De Guzman, sa mga nahaharap sa kasong may kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Enero 1 sa loob ng isang hotel sa Makati City.

Wala pang ibang detalye na ibinibigay hinggil sa pagkamatay ng singer.

UPDATE: Nilinaw ng anak ng singer na 63 anyos ang ina na naunang napaulat na 62 anyos.