Starlet: Girlfriend ako ni Jimuel Pacquiao

KINUMPIRMA ng youngstar na si Arabella del Rosario that she and Jimuel Pacquiao, ang anak ni boxing champ at senador Manny Pacquiao, are a couple.


Late last year pa kumalat ang chika na may relasyon ang dalawa after nilang ipost ang kani-kanilang photos sa social media.


Wala namang kagatol-gatol na inamin ni del Rosario na girlfriend siya ni Jimuel nang tanungin sa isang interview.


Aniya, perfect boyfriend si Jimuel dahil “very, very humble” at “parang normal na individual” lang ito considering na anak ito ng boxing legend.


Parehong artist ng Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN, sina Arabella at Jimuel.