UMABOT na sa 30 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa northern Luzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Huwebes.
Gayunman, nilinaw ng NDRRMC na 19 lang sa mga ito ang kumpirmadong nasawi at ang 11 iba ay kailangan pang ma-validate.
Sa tala, karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagbaho at landslides matapos ang pananalasa ng bagyo sa maraming bahagi ng northern Luzon.
Bukod sa mga nasawi, 14 iba pa ang naiulat na nawawala at tatlo naman ang naiulat na nasugatan. Umabot naman sa mahigit 50,000 pamilya o 195,000 indibidwal ang inilikas dahil sa bagyo.