Cristy Fermin niratratan mister ni Alex Gonzaga; tinawag na maldito

BINABATAN ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada matapos nitong magkomento sa post ni Lolit Solis ukol sa isyung nakunan ang actress/TV host/vlogger.


Ayon kay Fermin, walang masama sa rebelasyon ni Solis.


“Sa ginawa ni Manay Lolit kahit anino ng libelo, wala, ‘di ba? Napakaganda ng kanyang sinabi. Nag-wish pa siya ng maganda para sa mag-asawa, ‘di ba?” aniya.


“Ano ba naman si Konsehal Mikee, ano na ba itong pinaggagawa mo? Mukha yatang gusto mo na ring mag-showbiz. Ako ang sagutin mo ngayon ng ganitong pailalim. Sagutin mo ako ng sarkastiko. Ako ang sabihan mo ngayon sa pagkukwestiyon ko sa’yo kung bakit patola ka na. Ano, nahawa ka na sa asawa mo? Na isang artista, gusto mo na mag-showbiz?”


Chika pa niya, plastik ang paggamit ng “po” ni Morada sa sagot nito kay Solis.


“Alam mo, napakamaldito nitong ano mo. Kunwari lang gumamit ka ng ‘po’, ‘opo’ pero sarkastiko ito. Lalo na ‘yung sinabi mong, ‘Wag kayong gumagawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari.’”


Matatandaang sinabi ni Morada na nakakadismaya ang post ni Solis saka idinagdag na hindi totoong nakunan si Alex.


“Mam masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag asawa, Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto.

Huwag po kayong qumawa nq kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat,” komento ni Morada. –A. Mae Rodriguez