NAGKAISA ang mga alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng unified curfew sa National Capital Region sa gitna ng muling paglobo ng Covid-19 cases.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, magsisimula sa Lunes ang pagpapatupad ng curfew hours na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Tatagal ito nang dalawang linggo.
Napagdesisyunan ito ng mga alkalde, dagdag ni Abalos, makaraang pumalo sa 3,749 ang mga bagong kaso ng Covid-19 kahapon. Karamihan ng mga nagkasakit ay mula sa Metro Manila.