Bong Go for president, joke lang–Malacanang

NAGBIBIRO lang si Pangulong Duterte nang sabihin nitong may balak tumakbo bilang presidente ni Sen. Christopher “Bong” Go sa 2022.

Ani presidential spokesperson Harry Roque, maging si Go ay hindi rin daw sineryoso ang sinabi ni Duterte.
“Parati naman pong nagbibiro ang ating president para mayroong light moment,” hirit naman ni Go.

Isiniwalat ni Duterte ang umano’y balak ni Go sa isang talumpati sa Dumaguete City kahapon.
Bago naging senador, si Go ay nagsilbing “special assistant” ng Pangulo