Sinas positibo sa Covid-19

POSITIBO sa Covid-19 si Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas, ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

Lumabas ang resulta ng RT-PCR swab test ni Sinas kahapon ng umaga. Asymptomatic at wala namang nararanasang sintomas ang opisyal. Kaugnay nito, umapela si Sinas sa mga nakasalamuha niya na sumailalim din sa pagsusuri.

Habang nagpapagaling ang opisyal ay pansamantalang hahalili sa kanyang puwesto si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Administration ng PNP.