469,200 doses ng Moderna dumating sa bansa

DUMATING Linggo ng hapon ang karagdagang 469,200 doses ng Moderna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kabilang sa mga dumating ang 319,200 doses na binili ng pamahalaan at 150,000 naman na binili ng pribadong sektor sa pamumuno ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI).

Noong Agosto 8, unang tinanggap ng pamahalaan ang 326,400 doses ng Moderna vaccine.

Sa kabuuan, umabot na sa 4,296,060 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa bansa, kung saan 3,000,060 doses ay donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng COVAX facility.