Ginang nagluwal ng 9 sanggol

SIYAM na sanggol ang iniluwal ng isang ginang na taga-Mali noong Martes sa Morocco at, ayon sa kanyang pamahalaan, ang nonuplets ay buhay at malusog.


Ayon sa ulat, inilipad ng mga otoridad ng Mali noong Marso 30 si Halima Cisse, 25, sa Morocco para mabigyan ng maayos na pangangalaga.


Noong una ay inakalang walo lamang ang ipinagbubuntis ni Cisse.


Ayon kay Mali Health Minister Fanta Siby, ipinanganak ng ina ang limang babae at apat na lalaki sa pamamagitan ng caesarian section.


Aniya, maayos ang kalagayan ng ina at kanyang mga sanggol.


Iuuwi ng Mali ang mag-iina matapos ang ilang linggo.