Produktong petrolyo may bawas presyo ulit

MAGPAPATUPAD muli ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis simula sa Martes.

Aabot sa P1.10 hanggang P1.40 kada litro ang ibabawas sa presyo ng diesel.

Inaasahan ding bababa ang presyo ng gasolina mula 70 sentimo hanggang P1.00 kada litro at P1.60 hanggang P1.90 kada litro naman ang ibabawas sa presyo ng kerosene.

Magiging epektibo ang panibagong rolbak sa presyo ng langis sa Martes. Ngayong linggo, nagpatupad din ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis.