Portrait ni Bea binaklas sa ABS-CBN hallway; empty frame pinost ni Kim Chiu

NAGTATAKA ang netizens sa motibo ng aktres at TV host na si Kim Chiu sa pag-post nito sa social media ng walang laman na photo frame sa hallway ng ABS-CBN.

Napag-alaman na sa nasabing frame, na katabi ng portrait ni Piolo Pascual, nakalagay ang larawan ni Bea Alonzo.

Agad namang binura ni Kim ang kanyang post, kung saan naka-tag ang kasama niya sa “It’s Showtime” na si Amy Perez-Castillo.

Wala namang ibang paliwanag si Kim kung bakit niya pinost ang blangkong frame.

“Ito namang (pangalan ng vlog site na nagbandera ng kanyang post) ginawan pa ko ng issue. Ikaw talaga. Kurutin kita sa singit eh! Mag-2022 na powz. Peace and calm na lang tayey. Pag keri. Love love love! Sabi nga ni ate Kris!” ang tangi lang niyang hirit.

Wala rin siyang mensahe para kay Bea.

“Mas maraming pwedeng isipin at paglaanan ng time like kung papano uunlad ang buhay. Attract goodness and positivity!” aniya.