PATULOY na lumalakas ang Typhoon Hinnamnor at posibleng mag-develop bilang super typhoon habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility.
Sa sandaling pumasok sa PAR Miyerkules ng gabi, tatawagin ang bagyo na “Gardo”.
Namataan si Hinnamnor 1,655 kilometro ng silangan-timogsilangan ng extreme Northern Luzon na may lakas ng hangin na 165 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na 205 kph.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), nagpapakita ang bagyo ng mabilis na pagkilos ng hangin hanggang sa 320 kilometro mula sa gitna.