Patuloy na magdadala ng malakas na pag-ulan ang bagyong Bising sa Bicol region, Northern at Eastern Samar, Biliran at Leyet sa araw na ito.
Sa 4 a.am. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang mata ng bagyo ay 250 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes na may maximum sustained winds na 195 kilometers per hour malapit sa gitna at may gustiness na 240 kmp.
Sa nakalap na detalye alas-5 ng umaga, itinaas ang Storm Signal number 2 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon: Catanduanes, Eastern portion of Camarines Sur, Eastern portion of Albay, Eastern and central portion of Sorsogon
Sa Visayas ay ang Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran.
Ang Signal No. 1 ay nakataas naman sa Isabela, northern portion of Aurora, southeastern portion of Quezon (including Polillo Islands), Camarines Norte, rest of Camarines Sur, rest of Albay, rest of Sorsogon, Masbate (including Burias and Ticao Islands) habang sa Visayas naman ay Leyte, Southern Leyte, northern portion of Cebu (including Bantayan and Camotes Islands).
At sa Mindanao ay sa Dinagat Islands, Siargao Islands, Bucas Grande Islands.