NASA West Philippine Sea na ang bagyong si Paeng.
Huli itong namataan 85 kilometers west northwest ng Iba, Zambales, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa 5 a.m. bulletin nito ngayong Linggo.
Mas bumilis ang tropical storm habang kumikilos pa kanluran timogkanluran sa bilis na 30 kilometers per hour mula sa dating 25 kph.
Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes, Oktubre 31.
Ang bagyo ay patuloy pa ring may taglay na hangin na 85 kph Linggo ng umaga, habang ang pagbugso ay nasa 105 kph. Habang nasa West Philippine Sea, posibleng bumalik ito sa pagiging severe tropical storm sa loob ng 24 na oras.
Asahan ngayong araw na magiging maulan at mahangin pa rin.