TRENDING ngayon sa Twitter ang #Japan matapos mag-guessing game ang mga netizens kung nasasaan nga ba talaga si Pangulong Bongbong Marcos sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng na sumalanta sa maraming lugar sa bansa.
Naging usap-usapan kung nasaan si Marcos matapos ang isinagang full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Sabado ng hapon kung saan dumalo si Marcos via zoom.
At syempre, hindi ito napalagpas ng marami sa social media, lalo pa’t sa background ng pangulo ay mapapansin na wala ito sa opisina kundi sa isang house setting.
Bukod sa Japan, may mga hula rin na posibleng nasa Australia o Singapore si Marcos.
“Long weekend eh bat nyo hinahanap, Nagbabakasyon yung tao kayo talaga ππ.
Nasa Japan? #NasaanAngPangulo,” ayon kay Edwin Descalso.
“Kaya naman pala hinahanap si Leni na private citizen na ngayon para matabunan na nasa Japan pala ang boss nila!!!! π€£π€£π€£ #PaengPH,” sey naman ni RobertBob24.
Sigaw naman ng isang Pilosopo Tasyo: “LABAS NYO SI BBM! TOTOO BANG NASA JAPAN π―π΅ ANG PRESIDENTE NYO????”
“Nasa Japan daw? Ginawang corporate job ang pagiging Presidente. May pa long weekend getaway din sa gitna ng malaking bagyo at habang dumarami ang namamatay. So kanya kanya na lang muna cguro tayo ng pag rescue sa sarili natin.matira matibay. #RescuePh #NasaanAngPangulo,” sabi naman ng isang Marky.