PINAG-IINGAT ang mga residente mula sa extreme part ng Northern Luzon ngayong Biyernes ng gabi dahil sa inaasahang pananalasa ng bagyong Kiko.
Ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tatawirin ni “Kiko” ang silangang bahagi ng Cagayan Valley na may bilis ng hanging na 215 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 265 kilometer per hour. Kasalukuyang tinatahak nito ang timogkanlurang bahagi sa bilis na 15kph.
Dahil dito, maraming lugar ang isasailalim sa tropical cyclone wind signal — or sa mas mataas na wind signal — habang papalapit ang bagyo sa lupa.
Nasa Tropical Cyclone Wind Signal 4 ang northeastern portion ng Babuyan Group of Islands.
Signal No. 3 ang extreme northeastern portion ng Cagayan, ang rest ng Babuyan Islands at Batanes.
Signal No. 2 naman sa Northern, central, at eastern portions of mainland Cagayan
Northeastern portion of Isabela, Northeastern portion of Apayao
Signal No. 1 rest of mainland Cagayan, Eastern portion of Ilocos Norte, rest of Apayao
Northeastern portion of Kalinga, Eastern portion of Mountain Province, Northeastern portion of Abra, Northwestern and southeastern portion of Isabela, Northern portion of Aurora