MAGTUTULOY-tuloy pa rin ang init na mararanasan ng bansa hanggang sa susunod na buwan.
Ang Northern Luzon ay inaasahang makararanas mula 31.5 hanggang 40.8 degrees Celsius, ayon kay Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr . sa isinagawang inter-agency update sa El Niño ngayong Lunes.
Samantala sa Metro Manila, asahan ang 36.5 hanggang 38.3 degrees Celsius na temperatura hanggang sa kalagitnaan ng Mayo.
Ang Visayas naman ay makararanas ng 32.5 hanggang 37.5 degrees Celsius habang ang Mindanao ay 33.4 hanggang 38.8 degrees Celsius sa lowland at sa kabundukan naman ay mula 34 hanggang 36.3 degrees Celsius.
Asahan na rin anya ang madalang na pag-ulan sa susunod na buwan dahil pa rin sa epekto ng phenomenon.
Sinabi ni Solidum na unti-unti rin namang baba ang temperatura pagpasok ng Hunyo.