TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na nakahanda ang lahat ng mga assets ng pamahalaan para umaksyon sa pinsalang dulot ng bagyong Neneng.
“We are watching #NenengPH closely. Government assets are in place to deal with the aftermath and ensure the primary needs of those affected, especially food, safe drinking water, and electricity,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na paparating na ang tulong para sa mga lugar na napinsala ni ‘Neneng’.
“Nevertheless, to the provinces in the North that have felt the effects, help is on the way. We encourage everyone to follow the directives of your LGUs (local government units) and MDRRMCs (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils),” dagdag ni Marcos.
Hinagupit ni ‘Neneng’ ang Northern Luzon ngayong weekend.