MAGDALA ng panangga sa ulan dahil posibleng maging maulan ang Lunes bunsod ng northeast monsoon o “habagat” sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas, ayon sa Pagasa.
Sa pinakahuling weather bulletin, sinabi ng Pagasa, na makararanas ng maulap na kalangitan hanggang sa light rain ang mararanasan ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at northern portion ng Quezon kabilang na ang Polilio island.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon at Western Visayas ay makararanas naman ng partly cloudy skies at manaka-nakang pag-ulan dahil din sa habagat.