J-Hope ng BTS naka 8M followers sa Spotify

NAKA-EIGHT MILLION followers na si J-Hope, isa sa pitong miyembro ng international Korean Pop group na BTS, sa audio streaming app na Spotify.

Sa report ng Soompi, si J-Hope ang kauna-unahang Korean solo artist ang nakakuha ng ganito karaming followers.

Bukod sa BTS, milyon-milyon followers din meron ang iba pang K-pop groups na gaya ng BlackPink, ExO at Twice.