ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa dalawang lugar sa Cagayan at Isabela habang patuloy na lumalakas ang bagyong Goring habang nasa silangang bahagi ng Babuyan Islands.
Sa weather bulletin ngayong alas-5 ng umaga, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mata ng bagyo ay namataan 185 kilometro silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayn na may taglay na hangin na may bilis na 140 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 170 kph at kumikilos pa-timogkanluran sa takbong 10 kph.
Itinaas ang Signal No. 2 sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) and sa extreme northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).
Nananatili naman ang Signal No. 1 saBatanes, Babuyan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Allacapan), eastern portion of Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City), at northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran).