Whamos nagpaulan ng pera, bumili ng 2 Rolex

DALAWANG buwan bago ang kanyang birthday ay bumili ng dalawang Rolex watch ang social media influencer na si Whamos Crux bilang advance birthday gift sa sarili.

Sa vlog, ibinahagi sa publiko ni Whamos ang kanyang ligaya na mabili ang mga pangarap niya na high-end watches.

“Sobrang saya ko. May naipon ako, gustong- gusto ko kasing bilhin–Rolex,” sey niya.

Dagdag niya, regalo niya ito para sa birthday niya sa June 1.

“Dahil malapit na kasi birthday ko eto ‘yung advance birthday gift ko para sa sarili ko kaya masaya ako,” dagdag pa niya.

Ayon kay Whamos, nabili ng kanyang seller ang mga relo sa Hong Kong.

“Investment din ‘to kapag nawalan ng budget. Pwede namin tong ibenta. Good investment ‘to,” katwiran niya sa pagbili.

Bago ito, nagpaulan ng P100,000 cash si Whamos sa kanyang mga kapatid at kaibigan na kasama niyang nag-outing sa Laguna kamakailan.

“May birthday sa amin…nag-withdraw ako ng tig-P500 kasi gusto ko ipaagaw ito sa kanila,” kuwento ni Whamos. 

Ang hangad niya, sabi niya, ay mapasaya lang ang mga ito.