MULING inaresto ang drag queen na si Pura Luka Vega ngayong araw ng Huwebes.
Dinakip si Pura, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay, makaraang mag-isyu ng warrant of arrest ang isang korte sa Quezon City kaugnay sa kasong immoral doctrines na nag-ugat sa pag-lipsynch niya sa “Ama Namin.”
Ang kaso ay isinampa ng mga simbahan na konektado sa Philippines for Jesus Movement.
Inirekomenda ng korte ang P36,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.
Matatandaan na noong nakaraang Oktubre 4 ay inaresto ng Manila Police District (MPD) si Pura dahil sa kapareho ring reklamo.