IPINAGTANGGOL ng pamilya ng rapper na si Aldew Christian Moncada o Scape Doz ang ginanap na mini-concert sa lamay nito kamakailan.
Ayon sa pinsan ni Moncada na si Franz Angelo Dizon, walang nakikitang masama ang kanilang pamilya sa naganap sa burol.
“Kapag ginawa natin ‘yung alam natin na hilig at kagustuhan ng yumao, sine-celebrate lang naman natin ‘yung naging buhay niya rito sa lupa,” paliwanag ni Dizon.
Matatandaan na nag-viral ang video ng lamay ni Scape Doz dahil sa performances ng paboritong artists nito, gaya ni Mhyre Conde.
Tinaaasan naman ng kilay ng ilang netizens ang naganap na mini-concert dahil anila ay hindi ito pagrespeto sa patay.
Salag ni Dizon: “Alam kong ganoon ‘yung gusto niya (Scape Doz) e, doon siya masaya e, naisipan kong umarkila ng sound system and magpapunta ng mga performer.”
Dagdag niya, iba-iba ang uri ng pagluluksa ng mga tao kaya sana ay respetuhin ng mga tao ang klase ng pagluluksa nila kay Scape Doz.
Samantala, nag-post din si Dizon ng sulat para sa namayapa niyang pinsan.
“Kuzz Aldrew trending burol mo!!! Hahaha “Alam kong masaya ka sa ganitong set-up kaya ginawa ko to.
“Masyado lang talagang madaming makitid utak. “Hip-Hop/Rapper yung namatay alangan namang Clown yung pagperformin ko? “At syempre kay Mhyre Conde maraming salamat sayo tol! Kahit papano nabawasan ang lungkot ng pamilya ng naiwan.
Dedma tayo sa mga tolonggis na walang alam,” aniya.