LAKING-TUWA ng mga estudyante at kanilang mga magulang sa Grade III teacher sa Tigaon, Camarines Sur na nanlibre ng hamburger at spaghetti sa unang araw ng klase.
Kaya bilang pasasalamat, binigyan ang teacher na si Emmanuel Nico Cronico ng Tigaon North Central School ng isang supot ng suman ng kanyang pupil.
“I asked him why he’s giving me these, he quickly replied: ‘Pasasalamat po sir. Tig patao po ni mama ta tig pa Jollibee mo po kaya kami kan Martes’,” ayon kay Cronico.
Bago ito, sinorpresa ng guro ang kanyang 30 estudyante ng burger at spaghetti sa pagsisimula ng klase noong August 22.
“Yung pa-Jollibee is parang pang welcome sa kanila to make them feel happy and at ease during the beginning of school year. Actually, [some of] my pupils po pala first time naka-Jollibee nung tinanong ko,” dagdag niya.
Inihayag naman niya na marami ang tumulong sa kanya para mapakain ang mga estudyante
“Di ba po, kindness is contagious? Nahihiyakat ‘yung iba to take part,” ani Cronico.
“I have realized that when you generously sow seeds of love, you’ll reap the same too. Kindness is so powerful. Let’s always choose to be kind everyday,” dagdag ng guro.