UMANI ng paghanga mula sa mga netizens ang OPM singer na si JK Labajo matapos nitong sitahin ang magulang na nagdala ng 2-buwan na sanggol sa kanyanc concert.
Sa isang Facebook video na pinost ni LifeofEs, nakita si JK na huminto sa gitna ng kanyang performance at kinausap ang magulang na nasa kanyang concert na dala-dala ang sanggol, at tinanong ito kung bakit isinama ang baby.
“Two months? Ba’t mo pinaparinig ng ‘ere’ ‘yung bata. Two months pa lang, maaga, huwag. Wala bang earmuffs si baby? Umiiyak na si baby okay lang ba ‘yan?” narinig na sinabi ni JK.
Sa ibang portion ng video, maririnig din ang singer na hinihingan nito ang kanyang staff kung meron silang earmuffs o headphones na pwedeng ilagay sa baby.
Nakita rin sa video na kinarga ng singer ang baby.
“Yung mga bata, especially one year below super sensitive pa yung mga tenga nila… Maraming salamat sa suporta, but please alagaan niyo si baby,” ayon pa rito.
Dahil sa pagmamalasakit ng singer, marami ang humangang netizen sa kanya.
“Not a fan of him pero I salute him for being concerned at mas may alam about sa baby,” dagdag pa ng isa.
“He knows better than a real parent altho he’s still single, he’ll be a good father,” ayon pa sa isa.