NAISPATAN sa Semirara Island sa Caluya, Antique ang isang lalaking Golden Pheasant (Herpactes ardens) na mas kilala sa tawag na Ibong Adarna.
Ayon kay Richard Go, agad niyang kinunan ng picture ang ibon saka excited na ipinost sa Facebook.
“In my 27 years of experience, this is the first time I saw this bird called ‘Ibong Adarna’ with my own eyes. This photo was taken at Semirara Island Aviary in Caluya, Antique,” aniya.
Sa epic poem na isinulat noong 16th century, ang ‘Ibong Adarna’ ay isang mythical bird na nakakapagpaggaling ng maysakit.
Ilang beses na ring isinapelikula ang kuwento ng Ibong Adarna na unang nabasa sa tulang “Korido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na anak ni Haring Fernando at ni Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya.”