VP Sara pinalakas loob ni ex-JRU player John Amores

SA gitna ng sitwasyong kinakaharap ngayon, binigyang suporta ni Vice President Sara Duterte ang kontrobersyal na dating manlalaro ng Jose Rizal University na si John Amores.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng dating JRU Heavy Bomber na pinadalhan siya ni Duterte ng liham na may words of encouragement.

“Remember the lesson, not the mistake, you have a friend from the Office of the Vice President,” ayon sa letter ni Duterte, kwento nang nasipang JRU player.

Nagpasalamat naman siya sa Education Secretary sa ipinadalang sulat.

“It was a great honor, Ma’am, thank you for those words of encouragement.”

Nahaharap si Amores sa reklamong physical injuries matapos sugurin nito at pagsusuntukin ang ilang manlalaro ng College of St. Benilde na nakalaban nila sa isang match sa NCAA.

“Ipapa-frame ko ‘to as a remembrance na sa dami ng bashers at negative critics [ko], may isang tao na ipapaalala sa’yo na mahalaga ka kahit ‘di mo kaano-ano,” ayon pa kay Amores.