P63M smuggled na frozen meat products nasabat

INIHAYAG ng Department of Agriculture na tinatayang P63 milyong smuggled na frozen meat products mula sa Hong Kong at China ang nasabat sa Manila International Container Port (MICP).

Sa ulat ng DA, nakapangalan sa Victory JM Enterprise ang mga nakumpiska na idineklarang frozen prawn balls.

Idinagdag ng DA na naglalaman ang dalawang van ng frozen chicken paws, frozen boneless beef, Vietnamese Suckling Pig, at Bean Curd Skin, samantalang frozen beef cheek meat naman ang laman ng dalawa pang container van. 

Nahaharap ang mga nasa likod ng smuggling sa kasong Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (R.A. 10845) and Food Safety Act of 2013 (R.A. 10611).