GAYA niya na gumuhit ng kasaysayan, nagbunyi at binati ni Hidilyn Diaz ang Philippine women’s football team nang makapasok ito sa kauna-unahang pagkakataon sa World Cup.
Tinalo ng Malditas ang Taiwan nitong Lunes sa 2022 AFC Asian Cup. Ito ang unang pagkakataon na ang koponan ng Pilipinas ay makasali sa Fifa World Cup na matagal na ring inaasam ng bansa.
“Galing nakakaproud at nakakiyak talaga na makita ito kasi nakita ko ang saya ng mga athletes nun nag goal,” ani Diaz sa kanyang Instagram post.
“Ramdam ko ang love nila sa sports at yun ginagawa nila ang best nila,” dagdag pa ni Diaz na kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng ginto sa Olympics noong nakaraang taon.
“Salamat sa magandang balita. Salamat for bringing pride to our country,” anya pa.