Rain or Shine player Beau Belga nang-abuso ng asawa?

IBINHAGI ng asawa ni PBA player Beau Belga ang ginawa umanong pang-aabuso nito sa kanya.

Ayon kay Queenie Manalo-Belga, asawa ng Rain or Shine player, nagkaroon sila ng marital issues nang pumasok si Beau sa PBA bubble noong nakaraang taon.

“Who would’ve thought that even after almost 16 years, half of my life, of being together, the man I love and trust with my very life would be the one to put our family in grave danger?” chika niya sa Facebook story.

Sinabi ni Queenie na nais niyang gawing pribado ang isyu nilang mag-asawa ngunit hindi naman nakikipag-usap ng maayos si Beau dito.

Nagpost din ito ng video na umiiyak at pinapaliwanag ang side niya.

Wala pa namang sagot si Beau tungkol sa nasabing isyu.