Dennis Padilla dinedma anak na si Leon?

WALANG “public reaction” ang komedyanteng si Dennis Padilla sa pahayag ng anak na si Leon Barretto na bukas ito sa pakikipagbati sa kanya.

Kahapon pa naiulat ang sinabi ni Leon na may nakikita siyang reconciliation sa pagitan nilang magkakapatid na Claudia at Julia at ng ama, pero tila dedma ang huli.

“Of course, in God’s perfect timing. I’m for peace naman, I really trust in God’s timing talaga. I keep emphasizing that kasi importante talaga ‘yun. Time lang talaga,” sey ni Leon ukol sa hidwaan nilang mag-aama.

“For me naman, I also miss my Dad but time heals all wounds. At the end of the day, ang importante lang talaga, when we reunite peacefully na. God’s perfect timing but I’m really open to reconciliation and peace with my father,” giit ni Leon.

Gayunman, nakikiusap siya sa ama na huwag gamitin ang social media sa pagbubulalas ng sama ng loob sa kanila ng mga kapatid na sina Julia at Claudia dahil lumalabas silang masasamang anak.

“I believe when it comes to that, you should talk privately, pero, at the end of the day, like I’ve said, all I want is peace with my Dad,” sabi pa ni Leon.