Zoren Legaspi Kinilig sa Love Team ng Anak

SUPORTADO ni Zoren Legaspi ang tambalan ng anak niyang si Cassy at ni Joaquin Domagoso para sa TV series na “First Yaya”.

Chika ng Zoren, may chemistry ang dalawa at napapangiti siya tuwing pinapanood ang mga bata. “May chemistry sila, in fairness.

To think pareho silang newcomer pero nung pinapanood ko ‘yung mga school scenes nila, in fairness, napapa-smile ako,” aniya.

Overwhelmed naman si Cassy dahil lagi siyang trending sa Twitter.

“Nakakakilig po and ayun nga I’m always trending din sa Twitter which is so weird and so cool,” sey ng young actress.

“Every weeknight, nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same, I’m so motivated to go back to work hopefully soon,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez