Engagement Ring ni Ellen Adarna Recycled, Ex-Deal? Derek Ramsay: Cheap Naman!

ITINANGGI ng aktor na si Derek Ramsay na recycled at ex-deal ang engagement ring na ibinigay niya kay Ellen Adarna.

Ani Derek, sa isang interview, unang beses pa lang siyang naging engaged kaya unang beses pa lang din siyang bumili ng engagement ring.

“They said that this ring has been passed on to all my exes– that’s just so low,” giit ng aktor.

Sinabi rin niya na binayaran niya nang buo ang singsing.

“There’s no ex-deal here. Nothing of the sort. My God! Ang cheap naman noon,” sey niya.

Ikinuwento pa ni Derek na tinanggihan niya ang ibinibigay na diamond ring ng kanyang ina para ibigay kay Ellen dahil masyado raw malaki ang bato nito.

“Hindi ko nga tinanggap ‘yung 7.8 carat diamond from my mom (tapos mage-ex-deal lang ako?),” dagdag niya.

Isa pa sa ibinabatong isyu sa kanya ay ang pakakasalan lang daw niya si Ellen dahil sa pera.

Sagot ni Derek: “Sige na, just throw whatever it is that you want at me. I’m a happy boy.”